No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Makabagong makina, makakabawas sa gastos ng mga magmamais

Malaking tulong ang teknolohiya para maibaba ang halaga at mapabilis ang pagproseso ng isang inaning produkto gaya ng mais.

Isa sa mga nagnenegosyo sa mais ang samahang Maralitang Magsasaka ng Mindoro o MMM ng Brgy. Conrazon, Bansud, Oriental Mindoro na tinulungan ng DOST-Provincial Science and Technology Center-Oriental Mindoro.

Dati-rati, para maproseso ang mga magsasaka ng MMM ang kanilang inaning mais, kailangan nilang umupa ng taong magtatangal ng busal o dahon ng mais sa halagang Php 50 kada sako at Php 15 kada 10 kilo ng nabalatang mais bilang renta sa pang-giik o mais thresher.

Sa karaniwang sistema,  hindi pulido ang paggiik kasi mayroong nahahalong busal o balat ng mais o bahagi ng katawan (o taynga) ng mais.

Dahil dito, kailangan pang gamitan ng blower na pumapatong pa sa gastusin ng magsasaka.

Pero dahil sa paggamit ng mga magsasaka ng MMM ng corn sheller machine ng Red Gate Farm Supplies, malaki ang naibawas sa gastusin ng kanilang produksyon.

Ang nasabing corn sheller machine ay may kakayahang paghiwalay nito ang mga butil, buhok at balat ng mais nang sabay-sabay.

Dalawang sako ng pinatuyong mais  sa loob ng tatlong minuto ang kayang iproseso ng corn sheller machine ng Red Gate Farm Supplies, isang kumpanyang naging benipisyaryo ng Small Enterprise Technology Upgrading Program o SETUP ng Department of Science and Technology.

Ang DOST PSTC-Oriental Mindoro ay matatagpuan sa 2/F HM Center Building, J.P. Rizal St., Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro at matatawagan sa mga numerong (043) 288-6791 at (043) 738-1513.

Masusulatan ang tanggapan sa pstc.ormindoro@mimaropa.dost.gov.ph (LP)

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch