No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog Feature: PDEA Mimaropa, may skills program para sa mga PWUDs

Sa kanilang pagbabagong buhay, ang mga Persons Who Use Drugs (PWUDs) ay tutulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Mimaropa na magkaroon ng kakayahang makapagtrabaho.

Nilalayon ng 'Skills and Capability Training Program for PWUDS in Mimaropa', isang bahagi ng Barangay Drug-Clearing Program o BDCP, na sanayin ang mga PWUD sa mga trabahong teknikal para mayroon silang kakayahan na makahanap ng oportunidad para sa pagbabalik nila sa kanilang komunidad.

Unang nakinabang ang may 25 PWUDs na isinama sa pagsasanay na Shielded Metal Arc Weildinig (SMAW NC II) na inilunsad kamakailan sa Maritime, Business and Technology Inc. sa Calapan City, kasama ang mga ahensiyang miyembro ng Regional ICAD Coordinating Group (RICG) gaya ng Philippine National Police (PNP),  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH),  Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Agricultural Training Institute (ATI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Southwestern College.

Bukod sa pagsasanay, ang mga magtatapos na PWUDs ay mabibigyan din ng pinansyal tulong at mga kasangkapan. (LP/PIA MIMAROPA)


Makikita sa larawan ang paglulunsad ng skills program para sa PWUDs ng PDEA Mimaropa sa Calapan City. (PDEA Mimaropa)

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch