No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Paano ba maging benepisyaryo ng 4Ps?

Sa panahon ngayon, maraming Pilipino ang nagnanais mapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno dahil sa tulong pinansyal na maaaring matanggap, at iba pang programang naglalayong mapagbuti ang pamumuhay.

Marami ang nagtatanong lalo na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung paano ba sila mabibilang dito?

Paano ba mag apply para maging benepisyaryo?

Ayon sa DWSD, walang application process para maging miyembro ng 4Ps.

Kung walang application, paano napipili ang mga benipisyaryo?

Ayon sa Batas (RA 11310, Section 5 at 6), ang isang pamamahay o "household" ay dapat matukoy na kabilang sa mahihirap o "poor" ayon sa talaan ng pamilyang dumaan sa pagsusuri na isinasagawa ng National Household Targeting Unit (NHTU), ito rin ay tinatawag na "Listahanan."

Ang Listahanan ay ang basehan ng DSWD sa pagpili ng mga potensyal na benepisyaryo ng 4Ps.

Ang mga magsasaka, mangingisda, walang tirahan, mga katutubo, at mga kabilang sa inpormal na sektor ay awtomatikong kasama sa Listahanan.

Upang maging benepisyaryo ng 4Ps ay isang pamilyang nasa Listahanan ay dapat na:  

1. Mayroong naninirahang 0-18 taong gulang na miyembro ng sambahayan (ang mga batang nasa edad 6-18 at kailangan na kasalukuyang nag-aaral sa paaralan);

2. Mayroong miyembro ng sambahayan na buntis haang isinasagawa ang enumerasyon;

3. Sambahayang sumasang-ayon sa mga kundisyong itinakda ng programa. 

Ang bawat pamilyang mapapasama sa 4Ps ay makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno sa ilalim ng programa ng hindi hihigit pa sa pitong (7) taon. (DSWD/PIA-NCR)

About the Author

Alehia Therese Abuan

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch