No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagtutok sa edukasyon, sagot sa child labor problem

Pagtutok sa edukasyon, sagot sa child labor problem

(Mula sa kaliwa) Sina Kapihan sa PIA Host Mike Escote ng PIA Palawan at Kristan Sabando, community facilitator ng Child Pabor Prevention and Elimination Program (CLPEP) ng DOLE-Palawan. Larawan ni Orlan Jabagat, PIA Palawan

(FEATURE STORY) Edukasyon ang nakikitang solusyon ni Kristan Sabando, community facilitator ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) ng DOLE-Palawan sa mataas na kaso ng child labor sa lalawigan ng Palawan

Ayon kay Sabando, dapat tutukan ng mga magulang ang edukasyon ng kanilang mga  anak kasi kapag nakapagtapos sila ng pagaaral ay sila naman ang tutulong sa pamilya para makaahon sa kahirapan.

Aniya, ang child labor problem kasi ay isang siklo o paulit-ulit lamang kaya kung hindi pamumuhunan ang mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak may posibilidad na mangyari rin ito sa mga magiging anak naman ng kanilang anak kapag nagkaroon na ito ng kanilang sariling pamilya. Ang ugat aniya kasi ng child labor ay ang nararanasang kahirapan sa buhay.

“Ang edukasyon ang isa sa mga paraan para maiahon sa kahirapan  ang pamilya nila, kaya't tutukan natin ang mga anak natin sa kanilang pag-aaral,” saad pa niya.

Ang pahayag ay sinabi ni Sabando sa naganap na Kapihan sa PIA noong Hunyo 29 kung saan kaniyang kinumpirma na mayroong mahigit 6,000 mga bata ang kanilang naitala simula noong 2018-2021 na nagtatrabaho sa murang edad.

Samantala, hinikayat naman ni Sabando ang mga biktima ng child labor na huwag mahihiya at matatakot na magsumbong sa mga ahensiya ng pamahalaan para sila ay maialis sa ganoong sitwasyon. (MCE/PIA MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch