No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Community Library, ilulunsad ng Batang Malaya Palawan

Community Library, ilulunsad ng Batang Malaya Palawan

Nangangalap ngayon ng mga nais mag-donate ng mga libro ang Batang Malaya Palawan para sa kanilang ilulunsad o itatayong ‘Community Library’ sa isang liblib na komunidad sa bayan ng Brooke’s Point.

Ang Batang Malaya Palawan ay isang kampanya ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Palawan sa ilalim ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) upang matulungan ang mga batang manggagawa o child laborer sa lalawigan.

Ayon kay Kristan A. Sabando, Community Facilitator ng CLPEP, malaking tulong ang mga maido-donate na mga aklat para sa itatayong ‘community library’ sa isang liblib na komunidad ng mga katutubo sa bayan ng Brooke’s Point.

Dagdag pa nito na ang mga batang katutubo na kadalasang biktima ng child labor ay napag-iiwanan na pagdating sa modernong edukasyon dahil sa kawalan ng access sa internet at teknolohiya kung kaya’t kahit man lang sa isang ‘community library’ ay magkaroon ang mga ito ng karagdagang kaalaman.

Sa mga nais pang magpa-abot ng tulong ang Batang Malaya Palawan ay tumatanggap ng mga used books tulad ng mga librong pambata, encyclopedia o anumang reading materials na maari pang mapakinabangan at magamit para sa nasabing aklatan.

Kaugnay nito, ang Philippine Information Agency (PIA)-Palawan ay nakapag-donate na ng iba’t-ibang klase ng aklat, maging ang NCCC Cares.

Tinitiyak naman ng CLPEP na ang mga ipagkakaloob na reading materials ay kanilang iingatan para mas marami pa ang makinabang rito.

Maliban sa mga aklat, maaaring ring magbigay ng mga materyales para sa pagtatayo ng nasabing aklatan.

Panawagan ng Batang Malaya Palawan sa mga nais magbigay ng tulong ay maaari lamang magpadala ng mensahe sa kanilang facebook page na Batang Malaya Palawan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch