No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Walang Hugis at Anyo ang Tunay na Pagbibigay-serbisyo

Sa paglipas ng panahon, malayo-layo na ang narating ng mga  kababaihan dahil patuloy na  pinapatunayan ng mga ito na kaya nilang makipag sabayan sa anumang larangan. 

Bilang pagkilala sa kanilang di matatawarang kontribusyon sa lipunan, ipinagbunyi  ang 2023 National Womens Month sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao City katuwang ang iba’t ibang ahensya sa lalawigan ng Cagayan, sa isang malaking mall sa nasabing siyudad. 

Isa sa mga grupo ng mga kababaihan na sumapi sa pagdiriwang ng National Women's Month sa Tuguegarao ay mga guro na ni-representa ang Department of Education. (Litrato at ulat ni Mary Joy Javier)

Sa anumang sitwasyon, ang kanilang mga kontribusyon ay kinikilala bilang mahalagang ambag lalo na't patunay ito na malawak ang saklaw ng kanilang ginagampanan. 

Ayon kay Atty. Maila Ting Que, ang mayor ng Lungsod ng Tuguegarao, pantay-pantay ang kalakasan ng bawat isa at lalong higit na walang limitasyon ang kakayahan ng mga kababaihan dahil sa tulong nila lalong napapatatag at napapagaan buhay sa isang pamayanan. 

Sa katunayan isa siya mismo sa nagpatunay nito dahil  makalipas ang ilang taon, maimamarka  sa kasaysayan ang kaniyang pangalan at magiging mga kontribusyon bilang isang kaunaunahang babaeng nailuklok at tumatayong lider sa mahigit isangdaang libong indibidwal sa siyudad ng Tuguegarao. 

Binigyang boses naman ni Atty. Mabel-Villarica Mamba ang naging transisyon ng kalagayan ng kababaihan mula sa iba't ibang uri ng diskriminasyon hanggang sa magkaroon ng pantay na katarapatan lalo na  sa larangan ng politika.

Hinubog sila ng kanilang karanasan at ngayon ay higit pa nilang pinapatunayan na sila ay may lakas at karapat-dapat para magsilbi sa iba't ibang paraan.  

Taunan nating pinagdiriwang ang buwan ng kababaihan ngunit ang pagbibigay pugay sa kanila ay hindi lamang nag tatapos sa buwan na ito, kundi araw araw ay marapat lamang na ibigay sa kanila ang pakilala, respeto, at papuri dahil sila, kagaya ng mga kalalakihan ay may pusong tapat kung maglingkod at magbigay serbisyo nang walang pinipiling hugis at anyo. (JKC/ulat ni Mary Joy Javier)

About the Author

Jan Karl Coballes

Regional Editor; Research and Development Officer; Tuguegarao City Information Center Manager

Region 2

Ibanag. Writer. Researcher. Ethnographer. Ethno-historian. Graduate student focusing on linguistic and cultural anthropology.

Feedback / Comment

Get in touch