Infographics

Highest employment rate in years

  • Published on December 12, 2022
  • |

Highest employment rate in years

47.1 million Filipinos employed!

Patuloy ang pagtaas ng employment rate sa bansa, indikasyon ng positibong pag-unlad ng ating ekonomiya at pagbangon mula sa negatibong epekto ng pandemya.

Sa inilabas na report ng Philippine Statistics Authority, pumalo na sa 95.5 porsiyento ang employment rate o bilang ng mga Pilipino na mayroong trabaho noong October 2022.

Katumbas ito ng 47.11 milyong Pilipino, higit na mas mataas kumpara sa 43.82 milyong Pilipino na naitala sa kaparehas na buwan noong nakaraang taon.

Kasabay ng pagtaas ng employment rate ang patuloy namang pagbaba ng bilang ng mga wala trabaho sa bansa.

Lumalabas na bumagsak sa 4.5 porsiyento mula sa 7.4 na naitala noong nakaraang taon ang unemployment rate sa bansa. Ito ang pinakamababang naitalang porsiyento ng mga walang trabaho sa bansa sa kaparehas na buwan mula 2019.

Ang malaking bahagdan ng mataas na employment rate ay nagmula sa services sector na nakapagtala ng 59.2 porsiyento. Sinundan ito ng sektor ng agrikultura na may 22.5 posiyento at industry sector na nakapagtala naman ng 18.3 posiyento.

Basahin ang kabuuan ng ulat ng PSA: https://bit.ly/3uxbbVK

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch