Mahigit 2k forest tree seedlings ang itinanim ng mga kawani ng City Environmen and Natural Resources Office (City ENRO) sa 31st Pista Y ang Kagueban celebration sa bundok ng barangay Irawan sa lungsod ng Puerto Princesa.(Kuhang larawan ni Carl Von Leen Curada, City ENRO)
PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA)--Mahigit 2K mga seedlings ng Tanabag, Banaba at iba pang kahoy gubat ang itinanim ng mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) ng pamahalaang lokal ng Puerto Princesa sa bundok ng barangay Irawan kamakailan.
Ayon kay Gerardo Reyes Jr., Community Development Assistant I, ang aktibidad ay ginawa kaugnay ng pagdiriwang ng ika-31 Pista Y ang Kagueban o kagubatan na taon-taon ay ginagawa sa lunsod sa huling Sabado ng Hunyo alinsunod sa ordinansa at dinadaluhan ng libo-libong tao lalo na ng mga kabataan.
Pero sa ikalawang pagkakataon simula ng magkaroon ng pandemya, tanging mga kawani lang ng City ENRO ang mga nagtanim dahil hindi pa rin pinapayagan ang maramihang pagtitipon dulot ng COVID-19 pandemic at ppara maiwasan na rin ang hawaan ng sakit.
Aniya, nagsalitan magtanim ang bawat dibisyon ng kanilang tanggapan para masunod ang minimum health protocols.
Ganyunman, ang mahalaga aniya, kahit may pandemya, napapangalagaan pa rin ang ating kalikasan lalo na ang kagubatan sa barangay Irawan dahil naroon rin ang watershed ng lungsod.(MCE/PIA Mimaropa)