Sa nasabing kautusan, hindi kabilang rito ang mga authorized persons outside residence (APOR) na hindi magtatagal sa lalawigan, at ang mga Overseas Filipino worker na may dalang quarantine certificates. (PIA Romblon File Photo)
ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Pinalawig ng Regional Inter-Agency Task Force on Emerging Infections Disases Mimaropa at ng Regional Task Force Against Covid-19 Mimaropa ang pagpapatupad ng 14-day mandatory quarantine sa lahat ng dadating sa probinsya ng Romblon mula sa ibang lalawigan.
Ang pagpapalawig ay base sa kahilihangan ni Governor Jose Riano at ng mga alkalde sa Romblon dahil sa nararanasang pagtaas ng kaso sa probinsya.
Magtatagal ang kautusan hanggang sa ika-15 ng Hulyo.
Sa nasabing kautusan, hindi kabilang rito ang mga authorized persons outside residence (APOR) na hindi magtatagal sa lalawigan, at ang mga overseas Filipino worker na may dalang quarantine certificates.
Sa taya ng Department of Health - Centers for Health Development Mimaropa nitong ika-28 ng Hunyo, aabot na sa 217 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa probinsya. (PJF/PIA Mimaropa)