No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 299,668 doses ng COVID-19 vaccine, naibakuna na sa Bulacan

Umabot na sa 299,668 doses ng COVID-19 vaccine ang naibakuna sa mga Bulakenyo sa buong lalawigan. (PIA 3 File Photo)

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) -- Umabot na sa 299,668 doses ng COVID-19 vaccine ang naibakuna sa mga Bulakenyo sa buong lalawigan.

Base sa tala ng Provincial Health Office, 235,746 ang naibakuna para sa first dose habang 63,922 naman ang naiturok para sa second dose.

 Sa A1 priority group o mga healthcare worker, 37,838 ang naibakuna sa first dose at 25,099 naman sa second dose. Sa A2 priority group o mga senior citizen, 101,405 ang naibakuna first dose habang 21,559 sa second dose.

Sa A3 priority group o mga persons with comorbidities, 65,172 ang naibakuna sa first dose habang 14,826 sa second dose. Sa A4 priority group o mga economic frontliners, 31,219 ang naibakuna sa first dose at 2,383 sa second dose.

 At panghuli sa A5 priority group o indigent population, 112 ang naibakuna first dose habang 15 sa second dose.

 Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, matapos matanggap ng lalawigan ang mga bakuna mula sa pamamahalaang nasyonal ay agad na nagtatalaga ng lugar at iskedyul.

 Aniya, kapag mabilis magbakuna ay mas mabilis ma-achieve ang herd immunity. (CLJD/VFC-PIA 3)

 


About the Author

Vinson Concepcion

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch