LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Mga tricycle drivers naman sa Lungsod ng Caloocan ang binabakunahan kontra Covid-19 ngayong Lunes sa Camarin D Elementary School.
Nasa 600 tricycle drivers ang inaasahang mabibigyan ng unang dose ng Moderna vaccine sa araw na ito, ayon kay Caloocan City Covid-19 Vaccination Action Officer Dra. Rachel Basa.
Ang inisyatibong ay mula sa direktiba ni Mayor Oca Malapitan na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga tricycle driver para sa dagdag na proteksyon habang sila ay naghahanapbuhay.
"Ang ating mga tricycle driver ay kabilang sa essential workers o economic frontliners. Mahalaga na maprotektahan natin sila hindi lang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa kanilang pamilya at komunidad," ani Mayor Oca.
Tatanggap ng mga tricycle driver na nais magpabakuna ang Camarin D Elementary School ngayong araw mula 8am hanggang 4pm, depende sa availability ng bakuna.
Payo ng local na pamahalaan sa mga magpapabakuna na huwag kalimutan magdala ng valid ID, sariling ballpen, face mask at face shield. (PIO Caloocan/PIA-NCR)