No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Mga gamot, medical supplies para sa mga Taal evacuees

LUNGSOD NG CALAMBA (PIA) --May karagdagang supply ng gamot at personal protective equipment ang dinala ng Department of Health Center for Health Development Calabarzon sa mga bayan ng Laurel at Agoncillo sa Batangas nitong Sabado, Hulyo 3.

Sa pangunguna nina DOH CHD 4A OIC-Director Paula Sydiongco, ASec. Francie Laxamana at USec. Roger Tong-an, dinala ang mga gamot na antibiotics, anti-hypertensive, multivitamins, at anti-diabetic para sa mga lumikas bunsod ng tumataas na aktibidad ng Taal Volcano.

Ayon kay Dr. Voltaire Guadalupe ng DOH CHD 4A, parating na din ang mga COVID-19 vaccines, test kits, at hygiene kits upang masigurong ligtas ang mga residenteng nasa evacuation centers sa patuloy na banta ng nakahahawang sakit.

Sinabi naman ni Dir. Sydiongco na nauna nang nakapaghatid ng halos kalahating milyong pisong halaga ng mga gamot at medical supplies ang DOH sa Batangas Provincial Health Office gaya ng face shield, heavy duty gloves, N95 at surgical masks para sa mga evacuees at iba pang apektadong residente.

Ayon pa sa opisyal, umaabot sa P429,971.52 ang halaga ng mga medical supplies na naunang naihatid sa Batangas kasama na ang 3,500 doses ng Sinovac vaccines.

Kasama sa mga napagkasunduan sa isinagawang pagpupulong ng national at regional disaster risk reduction management council noong Biyernes, Hulyo 2, na kinakailangang mabakunahan ang mga evacuees kasama na ang mga responders upang masigurong walang magkakasakit sa Covid-19 habang sila ay nasa mga evacuation centers. — PIA Batangas

About the Author

Fredmoore Cavan

Information Officer II

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch