No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Home Care program para sa COVID-19 patients, itatatag sa QC

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Nagkasundo ang Quezon City Government, Lung Center of the Philippines (LCP), at Vireo Loadworks Inc sa pagtatatag ng Home Care program para sa COVID-19 patients sa lungsod.

Ito'y bilang bahagi ng pagpapalakas ng COVID-19 treatment capability ng lungsod.

Sa ilalim nito, mabibigyan ng monitoring equipment, tulad ng pulse oximeter at digital bp apparatus, ang mga COVID-19 patient.

Kasabay nito, ita-track din ang kanilang paggaling sa pamamagitan ng Artificial Intelligence system.

Maaaring maging benepisyaryo ng Home Care program ang mga QCitizen na nakasailalim sa BantAI COVID program (ang automated tracking at monitoring program para sa mga pasyente), mga naka-home managed care, at mga lilipat sa isang step-down facility.

Sa paglagda ng kasunduan, nagsilbing kinatawan ng pamahalaang lungsod si Mayor Joy Belmonte at QC Health Department OIC Dr. Esperanza Arias, habang sina Hospital Director Dr. Vincent Balanag at Dr. Loysa Orense naman para sa LCP at Vireo. (QC PAISD/PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch