LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang Satellite Bakuna Registration kahapon, kung saan maaari nang magpunta at magparehistro ang lahat, pati na ang indigent residents na kabilang sa kategoryang A5.
“Habang papalapit ang pagdating ng 1 milyong doses ng bakunang nabili natin noong Enero, lalong pinaiigting ng inyong pamahalaang lungsod ang paghihikayat sa Proud Makatizens na magpabakuna laban sa COVID-19,” ayon kay Makati City Mayor Abby Binay.
Muli ring hinikayat ni Mayor Binay ang mga taga lungsod na magparehistro para sa bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang satellite registration ay bukod pa sa online registration www.covid19vaccine.safemakati.com at sa mga Dyip ni Maki na nag-iikot sa mga barangay para irehistro ang mga gustong magpabakuna.
Ang satellite registration ay bukas mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. sa mga itinakdang sites.
Narito ang schedule sa linggong ito: July 5 at 6 (Nicanor Garcia Elementary School, Olympia; Rizal Covered Court); July 7 at 8 (Poblacion Covered Court; Rizal Covered Court); July 9 (Nicanor Garcia Elementary School, Olympia; Cembo Elementary School).
Paalala ng pamahalaang lungsod na mag-face mask at face shield at panatilihin ang distansya sa isa’t isa batay sa minimum safety protocols ng Department of Health.
Para sa iskedyul sa iba pang mga barangay, antabayanan lamang ang anunsyo sa MyMakati Facebook Page https://www.facebook.com/MyMakatiVerified. (My Makati/PIA-NCR)