No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 10 lugar sa sa SurSur nasa 'high-risk' dahil sa COVID-19

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur (PIA) -- Sampung lugar (siyam na bayan at isang syudad) sa lalawigan ng Surigao del Sur ang napabilang sa hanay ng “high-risk” o may matatas na datus ang naitala na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam kay Provincial Health Office chief Dr. Eric Montecalros, kinumpirma niya na sa pamamagitan ng “national standard average daily attack rate” (ADAR) computation, napabilang ang isang syudad at siyam na bayan sa Surigao del Sur na high-risk areas simula Hunyo 20 hanggang Hulyo 3, ng kasalukuyang taon.

Ang mga naihanay sa high-risk ay ang sumusunod:

  • Tandag City,
  • Bayabas,
  • Cantilan,
  • Carmen,
  • Carrascal,
  • Lanuza,
  • Madrid,
  • Marihatag,
  • San Miguel, at
  • Tago.

Nagpaabot naman ng kanyang mensahe si Dr. Montesclaros sa mga local chief executives ng sampung lugar na wag itong mamasamain, dahil ito anya ang pinagbabasehan ng kanilang mga rekomendasyon sa mga dapat gawin para mapaibsan o makontrol ang patuloy na pagtaas ng mga kaso sa mga nabanggit na lugar.

Dagdag pa ni Dr. Montesclaros, ang deklarasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa buong lalawigan ng Surigao del Sur ay isa sa mga paraan o hakbangin upang maibsan ang local transmission ng COVID-19 sa probinsya.

Matatandaan na mismong si President Rodrigo Roa Duterte na ang mismong nag anunsyo sa rekomendasyong isasailalim sa MECQ ang ilang probinsya sa Caraga, at kasama na napabilang ang probinsya ng Surigao del Sur, simula Hunyo 15 hanggang Hunyo 30. At bago matapos ang buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon, muli na naman inerekomenda ang pagpapalawig ng MECQ sa lalawigan hanggang Hulyo 15.

Nanawagan din si Dr. Montesclaros sa lahat ng residente sa Surigao del Sur na tumulong at gawin ang tungkulin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran para labanan ang COVID-19 at malimitahan na ang lokal transmisyon nito.

Base sa ipinalabas na datus noong Hulyo 3 ng Provincial Health Office, umabot na sa 4,878 ang kaso sa buong lalawigan. Nasa 811 ang mga nasa isolation o naka kwarentina, habang 3,881 ang mga nakarecover, at 186 naman ang mga binawian ng buhay. (PIA-Surigao del Sur)

About the Author

Nida Grace P. Barcena

Writer

CARAGA

Whatever comes to destroy me,
I always try to stay firm,
& be d BRAVEST as
I can be.

Feedback / Comment

Get in touch