No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 'Safety Seal Certification,' iginawad sa 18 establisimyento sa Lucena City 

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA) --Ginawaran ng pamahalaang lungsod ng 'Safety Seal Certification' ang 18 establisimyento sa  dahil sa maingat na pagpapatupad ng minimum health and safety protocols laban sa COVID-19 na ini-atas ng Lucena City Inter-agency Task Force.

Pinagunahan ni Lucena City Mayor Roderick Alcala ang pagbibigay ng sertipikasyon matapos makapasa ang mga establisimyento sa isinagawang assessment ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa ipinapatupad na protocols sa ilalim ng MECQ.

Kabilang sa mga establisimyento na tumaggap ng certification ang: Mang Inasal branches sa SM City Lucena, Pacific Mall at Centro Lucena; Jollibee sa Lucena Highway, SM City Lucena, at Pacific Mall; Profes-Skills Institute Training Center; Market Strategic Firm; Power Mac; SM Appliance Center; Bonchon; Allaines Gems and Jewels;  at Red Ribbon; Gerry's Grill; Pepper Lunch; KFC; Her Bench; Chris Sport na pawang matatagpuan SM City Lucena. 

Ayon sa Lucena City Public Information Office, sa kabila ng nararanasang pandaigdigang krisis pangkalusugan dahil sa COVID-19, naging maingat ang mga establisyementong nabanggit sa pagpapatupad ng minimum health and safety protocols.  

Lubos naman ang pasasalamat ng 18 establishimento sa sertipiko na kanilang natanggap, anila, prayoridad nila ang kaligtasan ng kanilang mga parokyano kung kaya’t mahigpit nilang ipinapatupad ang mga guidelines. 

Naging katuwang ng alkalde sa pagkakaloob ng sertipiko sina City Administrator Jun Alcala, Konsehal Christian Ona, BPLO Head Arween Flores at Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Mark Alcala.  

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch