No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 447 contact tracers sa Zambales, Gapo sumailalim sa pagsasanay

IBA, Zambales (PIA) -- May 447 contact tracers sa Zambales at Olongapo ang lumahok sa isinagawang Provincial Roll Out on Enhancing COVID-19 Contact Tracing Work ng Department of the Interior and Local Government o DILG.

Kabilang sa mga dumalo ang mga contract tracers ng DILG, Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection.

Nakibahagi din ang mga lokal na pamahalaan at mga kasapi ng mga Barangay Health Emergency Response Team.

Ayon kay DILG Zambales Provincial Director Armi Bactad, layunin ng naturang aktibidad na makapagbigay ng gabay at praktikal na kasanayan sa mga contact tracers sa kanilang mga hakbang sa kanilang trabaho upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

Hinikayat din ni Bactad ang mga contact tracers na sumunod sa mga ipinapatupad na minimum public health standards tulad ng pagsuot ng facemask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at physical at social distancing.

Ilan sa mga ibinahagi sa pagsasanay ang mga estratehiyang ginagamit sa pagtugon sa COVID-19, update sa mga bagong variant ng virus, pagsasagawa ng case investigation, kognitibong interbyu, at pasusuri at pagtukoy sa mga nakasalumuha ng mga pasyenteng may COVID-19. (CLJD/RGP-PIA 3)


May 447 na contact tracers sa Zambales at Olongapo ang lumahok sa isinagawang Provincial Roll Out on Enhancing COVID-19 Contact Tracing Work ng Department of the Interior and Local Government. (DILG Zambales)

About the Author

Reia Pabelonia

Information Officer I

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch