No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Bagong Mansalay Public Market, pinasinayaan

Bagong Mansalay Public Market pinasinayaan

Pormal nang pinasinayaan at binuksan kamakailan sa publiko ang New Mansalay Public Market na matatagpuan sa kabisera ng bayan. Makikita sa larawan si Mayor Ferdinand 'Totoy' Maliwanag (pangatlo mula kaliwa) kasama si Vice Mayor Lynette Postma (naka-pula) na handa nang isagawa ang tradisyon na ribbon-cutting. (kuha ng Mansalay LGU)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Pormal nang pinasinayaan at binasbasan kamakailan ang bagong Mansalay Public Market na matatagpuan sa Poblacion na pinangunahan nina Mayor Ferdinand ‘Totoy’ Maliwanag at Vice Mayor Lynette Postma.

Sinabi ng alkalde sa mga manininda, “maganda, malinis at maluwag ang inyong bagong pamilihang bayan kaya dapat na panatilihing malinis at maayos ang inyong mga istante at lugar.”

Ang mga nagtitinda ng isda, karne at mga gulay ay nasa unang palapag habang ang dry good section naman ay sa ikalawang palapag. Mayroon din maluwag na paradahan ng mga sasakyan at madaling puntahan.

Ang nasabing pamilihan ay na nagkakahalaga ng P127 milyon na pinondohan ng lokal na pamahalaan,  at naisakatuparan sa tulong nina dating senadora at deputy speaker Loren Legarda at kalihim ng enerhiya, Sec. Alfonso Cusi.  Kasabay nito ay kasama din na pinondohan ang rehabilitasyon ng Mansalay Sports, Entertainment, Education and Evacuation Center (SPEC) na dating Mansalay Gymnasium ng P10 milyon. (DPCN/PIA-OrMin/Mansalay LGU)


About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch