No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: BARMM namahagi ng tulong sa Special Geographic Area ng rehiyon

LUNGSOD NG COTABATO, Hulyo 16 (PIA)--Nasa kabuuang 400 residente mula sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nakatanggap nitong Miyerkules ng relief goods mula sa Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan (TABANG) ng BARMM.

Ang pamamahagi ay isinagawa sa Barangay Dunguan at Barangay Tapodok sa bayan ng Aleosan, North Cotabato.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng relief pack na naglalaman ng 25 kilong bigas, isang kilong asukal, isang kilong asin, mga pakete ng kape, mantika, at monggo beans. Maliban sa mga nabanggit na benepisyaryo, nabigyan naman ng mga gamot ang barangay health station ng naturang mga barangay.

Samantala, nag-abot din kamakailan ng kaparehong tulong ang pamahalaan ng BARMM sa abot sa 600 pamilya sa mga barangay ng Kitulaan, Nasapian, at Tupig sa Carmen, North Cotabato.

Binigyang-diin ni Pikit SGA Cluster II Coordinator Jimmy Adil na ang mga tulong na ibinibigay ng BARMM ay napakahalaga para sa mga nasasakupan nito, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Nabatid na ang Project TABANG ay isa sa mga special program ng Office of the Chief Minister (OCM) na naglalayong ilapit ang serbisyo ng gobyerno ng BARMM sa mamamayan nito. (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from BIO-BARMM).



About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch