No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ready-to-plant seedlings, pinamahagi ng LGU Romblon

Pinangunahan mismo ni Mayor Gerard Montojo ang pamamahagi ng mga seedlings at hinikayat ang publiko na magtanim sa kanilang mga bakanteng mga lupain. (Larawan kuha ng Office of the Municipal Agriculturist)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Ang Office of the Municipal Agriculturist ng bayan ng Romblon ay namahagi ng mga fruit seedlings kamakailan sa kanilang nasasakupan na may malalawak pa na lupain para pagtaniman.

Ilan sa mga pananim na kanilang ipinamigay ay mag seedlings ng Rambutan, Lanzones, Mangga, Kalamansi, Avocado at Langka.

May mga pinamigay rin silang mga seedlings ng Narra para sa mga watersheds.

Pinangunahan mismo ni Mayor Gerard Montojo ang pamamahagi ng mga nasabing seedlings at hinikayat ang publiko na magtanim sa kanilang mga bakanteng lupain.

Ayon sa Office of the Municipal Agriculturist, bukas pa ang kanilang tanggapan para sa publiko na hihingi ng mga nasabing seedlings, kinakailangan lang magpalista para makahingi ng mga panamin na kailangan. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch