No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Bakuna sa COVID-19 na binili ng LGU-Puerto Princesa dumating na

Tagalog News: Bakuna kontra COVID-19 na binili ng LGU-Puerto Princesa dumating na

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nagsimula nang dumating ang mga bakuna kontra COVID-19 na binili ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

Kahapon, nasa 5,700 doses ng AstraZeneca Vaccines ang dumating sa lungsod lulan ng eroplano ng Cebu Pacific.

Ito ang unang bugso ng bakuna na binili ng LGU-Puerto Princesa para sa pagbabakuna ng mga mamamayan nito.

Mismong si Mayor Lucilo R. Bayron kasama si Vice Mayor Maria Nancy Socrates, ilang konsehal at opisyal ng lungsod ang personal na sumalubong sa pagdating ng nasabing mga bakuna.

Agad ding dinala sa cold storage facility ng lungsod ang mga bakuna sa pangangasiwa naman ng City Health Office.

Sa panayam ng media kay Mayor Bayron, hinikayat niya ang mga mamamayan na magpabakuna na at alisin na ang alinlangan lalo na't kailangan ito para labanan ang Delta variant ng COVID-19.

Personal na sinalubong kahapon nina Mayor Lucilo R. Bayron at Vice Mayor Maria Nancy Socrates kasama ang iba pang opisyales ng lungsod ang pagdating ng unang bugso ng mga bakuna kontra COVID-19 na binili ng Pamahalaang Panglungsod ng Puerto Princesa. (Screenshot mula sa CIO video)

Maliban sa AstraZeneca Vaccines na binili ng pamahalaang panglungsod ay kasabay din nitong dumating ang nasa 8,800 doses ng Janssen Vaccine mula naman sa Department of Health (DOH).

Sa kasalukuyan ay mayroong 14,500 doses ng bakuna ang nakatakdang ibakuna sa mga priority group sa lungsod sa susunod na mga araw. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)


About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch