No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: CHO-Cotabato City puspusan ang kampanya sa pagbabakuna kontra COVID-19

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Puspusan pa rin ang ginagawang kampanya ng Cotabato City Health Office (CHO) ukol sa pagbabakuna laban sa coronavirus disease 2019 sa lungsod.

Ito ay sa pamamagitan ng text, tawag, at panawagan sa radyo upang paalalahanan ang mga residente sa lungsod na hindi pa nakatanggap ng pangalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Nagbibigay din ng impormasyon ang mga kawani ng CHO kaugnay sa iskedyul ng pagbabakuna.

Maliban dito, nagsasagawa rin ang naturang opisina ng talakayan tungkol sa COVID-19 vaccine sa mga kawani ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan sa lungsod. Ang aktibidad na ito ay magtatagal naman hanggang Agosto ngayong taon.

Samantala, noong nakaraang buwan, tinungo ng mga kawani ng CHO, sa pangunguna ni Health Education and Promotion Officer Veronica Jumuad, ang iba’t ibang lugar sa lungsod na may mababang vaccine acceptance upang magbigay ng tamang impormasyon patungkol sa COVID-19 vaccine.

Ang patuloy na panghihikayat ng CHO sa mga residente ng lungsod na suportahan ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan ay nakaangkla sa layuning makamit ang herd immunity sa Cotabato City. (LTBolongon-PIA Cotabato City)


About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch