No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Karagdagang aksyon vs COVID-19 ipinatutupad sa Bataan 

LUNGSOD NG BALANGA (PIA) -- Naglabas ng mga karagdagang hakbangin ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan ang ilan ay kumpirmadong Delta variant.

Sa isang press conference, sinabi ni Governor Albert Garcia na magkakaroon ng mas pinaigting na contact tracing sa mga pasyenteng nagpositibo at maghahire ng mga karagdagang contact tracers sa tulong ng Department of the Interior and Local Government.

Magpapatayo rin ng mga modular hospital katuwang ng Department of Public Works and Highways.

Sa Mariveles naman kung saan may pinakamataas na aktibong kaso ng COVID-19 at mayroong naitalang Delta variant ay magkakaroon ng granular lockdown ang mga barangay na may mataas na kaso kabilang na ang Biaan, Balon Anito, at Camaya.

Kasabay nito ay muling nagbigay ng paalala si Garcia sa publiko na patuloy na sumunod sa mga health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan at magpabakuna upang makamit sa lalong madaling panahon ang herd immunity sa lalawigan.

Dagdag pa niya, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga malawakang pagtitipon dahil isa ito sa mga nakitang sanhi ng hawaan bukod sa mga umuuwing Authorized Persons Outside Residence na nagtatrabaho sa mga lugar na may matataas na kaso tulad ng Metro Manila. (CLJD/CASB-PIA 3)

Si Governor Albert Garcia. (1Bataan)

About the Author

Camille Anne Bartolome

Job Order

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch