No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 6 na positibo sa Delta variant sa San Pablo, recovered na

LUNGSOD NG SAN PABLO, Laguna --Gumaling na ang anim na residente sa lungsod na nagpositibo sa Delta variant batay sa resulta ng pagsusuri na ipinadala ng Department of Health (DOH) CALABARZON sa San Pablo City Health Office (CHO) kamakailan. 

Ang nabanggit na bilang ay: tatlo (3) mula sa Barangay Sta. Monica, na sumailalim sa swabbing noong Hunyo 27 at Hulyo 2;  isa mula sa San Gabriel na na-swab noong Hunyo 28; isa mula sa San Gregorio na na-swab nuong Hulyo 1; at isa na mula sa Barangay 1-B na na-swab nuong Hulyo 2.

Batay sa ulat ng San Pablo CHO, ang nasabing mga nagpositibo sa Delta variant na mga asymptomatic ay tapos na at kumpleto sa kanilang 14-day quarantine at maibibilang na mga recovered na.

Ayon pa sa San Pablo CHO, lahat ng malapit na bahay sa mga nabanggit na Delta variant positive ay ikukunsidera muna na Delta variant cases bilang pre-cautionary measures habang di pa lumalabas ang resulta mula sa Philippine Genome Center. Sakaling mag-positibo naman ay maaaring magpatupad ng “granular lockdown” o “localized lockdown” sa sitio, purok o barangay para sa pagpapatupad ng “strict quarantine protocols and more focused interventions”.

Samantala, mula sa datos noong Hulyo 25, may napadagdag na 21 bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 11 ang mayroong sintomas at 10 ang mayroong close contacts.

Ang mga may sintomas ay mula sa mga barangay ng San Bartolome, VI-E, San Rafael, Soledad, at Sta Maria habang ang mga close contacts naman ay mula San Francisco, I-B, San Gabriel, Soledad, Sto Angel, VI-A, Sto Angel at San Lucas 1. Lahat ng mga close contacts ay tinawagan na ng CHO para sa kaukulang impormasyon at instructions para sa mga kailangang gawing pag-iingat.

Kaugnay nito, maigting ang pagbibigay paalala ni Mayor Loreto Amante sa lahat ng taga-lunsod, ang lubos na pag-iingat dahilan sa pagpasok ng Delta variant at mahigpit na pagsunod sa minimum health standards at pagpapabakuna. (CIO-SPC/CPG, PIA-4A)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch