No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 5 ospital, 6 laboratoryo sa Palawan, bubuksan sa 2021-2022

5 ospital, 6 laboratoryo sa Palawan, bubuksan sa 2021-2022

Isa sa mga ospital sa Palaawan na magkatuwang na ipinatayo ng Department of Health (DOH) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program. (Larawan mula sa Palawan PIO)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Karagdagang limang bagong mga ospital at anim na Molecular Diagnostics Laboratories ang inaasahang mabubuksan ngayong taon hanggang sa ikalawang kwarter ng 2022.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng Provincial Information Office, patuloy ang konstruksyon ng New Northern Palawan Provincial Hospital (New NPPH) sa Taytay, Española District Hospital, at Cuyo District Hospital. Ang mga ito ay planong buksan sa Setyembre 2021.

Ang Araceli-Dumaran District Hospital naman Hospital ay inaasahang mabubuksan sa Oktubre 2021 at Enero 2022 naman ang Balabac District Hospital.

Hinihintay naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang License to Operate ng Molecular Diagnostics Laboratory (MDL) sa Brgy. Irawan habang patuloy ang konstruksyon ng iba pang MDL sa bayan ng El Nido, Coron, San Vicente, New NPPH sa Taytay, at sa Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH) sa Brooke’s Point.

Sa kasalukuyan ay sampung ospital na ang nakapagbibigay-serbisyo sa mga mamamayan kabilang ang: Aborlan Medicare Hospital, Narra Municipal Hospital, Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH) sa bayan ng Brooke's Point, Roxas Medicare Hospital, Dr. Jose Rizal District Hospital, Coron District Hospital, Bataraza District Hospital, San Vicente District Hospital, El Nido Community Hospital, at Quezon Medicare Hospital.

Ang mga naturang ospital ay magkatuwang na pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at Department of Health (DOH) sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program. (OCJ/PIA-Mimaropa, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch