No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: A5 priority group, sinimulan na ring bakunahan kontra-COVID-19 sa El Nido

A5 priority group, sinimulan ng bakunahan kontra-COVID-19 sa El Nido

Ayon kay Assistant Municipal Health Officer Dr. Jo-Ann P. Huerto, pinayagan na sila ng Department of Health (DOH) na magbakuna sa A5 priority group dahil kabilang ang bayan ng El Nido sa mga natukoy o classified na ‘high risk community’ sa bansa pagdating sa usapin ng COVID-19. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) – Sinimulan na ring bakunahan kontra COVID-19 ang nasa A5 priority group o ang mga mahihirap na mamamayan sa Bayan ng El Nido.

Ito ang binanggit ni Assistant Municipal Health Officer Dr. Jo-Ann P. Huerto sa panayam ng PIA-Palawan at ng ilang mamamahayag mula sa Puerto Princesa sa isinagawang ‘ceremonial vaccination’ para sa COVID-19 Vaccination Roll-out ng mga tourism frontliner at workers sa El Nido.

Ayon kay Dr. Huerto, pinayagan na sila ng Department of Health (DOH) na magbakuna sa A5 priority group dahil kabilang ang Bayan ng El Nido sa mga natukoy o classified na ‘high risk community’ sa bansa pagdating sa usapin ng COVID-19.

Sa ngayon, ani Dr. Huerto ay patuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga nasa A2, A3, A4 at A5 priority group sa El Nido. SinoVac at Janssen Vaccines ang mga bakunang mayroon ngayon ang Municipal Health Office (MHO) ng El Nido.

Wala pang target na bilang ng A5 priority group ang dapat mabakunahan sa El Nido, ngunit patuloy naman ang isinasagawang masterlisting ng mga ito, pahayag pa ni Dr. Huerto. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch