No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Higit 1M katao sa Maynila, bakunado na kontra COVID-19

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Nakapagbakuna na ng mahigit sa isang milyong katao ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila kontra COVID-19.

Batay sa pinakahuling tala ng Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila Huwebes, alas-3 ng hapon, umabot na sa 1,001,060 na indibidwal ang nabigyan ng hindi bababa sa isang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Dagdag pa ng tala, 667,439 naman ang ganap nang bakunado o "fully vaccinated" kontra COVID-19 ng Pamahalaang Lungsod.

Ayon kay Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, ito ay resulta ng malawakang pagbabakuna ng Pamahalaang Lungsod mula noong nagsimula ang pagturok ng bakuna noong Marso 2021.

Sa kasalukuyan, 19 na eskwelahan at apat na mall ang ginagamit bilang lugar pangbakunahan, maliban pa sa anim na ospital ng Pamahalaang Lungsod at ang tuloy-tuloy na "home service" na bakunahan. (MPIO/PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch