No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 600 binhi ng bakawan, itinanim ng mga ahensiya at samahan sa Mansalay

600 binhi ng bakawan, itinanim ng mga ahensiya at samahan sa Mansalay

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Nasa 600 binhi ng bakawan ang itinanim kamakailan ng ilang konsernadong ahensiya ng pamahalaan kasama ang iba’t-ibang non-government organizations (NGO) para sa pangangalaga ng mga baybayin sa Sitio Aplaya, Brgy. Budburan, Mansalay.

Pinangunahan ni Vice Mayor Lynette G. Postma at mga kasapi ng Sangguniang Bayan ang nasabing aktibidad sa ilalim ng programa ng Municipal Agriculture Office (MAO) na may temang ‘Planting for Better Tomorrow’ na ang layunin ay maisaayos at pangalagaan ang eco-sytem sa nasabing lugar.

Nagtanim ng mga binhi ng bakawan ang isang sundalo (kaliwa) at si Mansalay Vice Mayor Lynette Postma sa baybayin ng Sitio Aplaya, Brgy. Budburan kamakailan para sa patuloy na pangangalaga ng kalikasan at pakikiisa sa programa ng Municipal Agriculture Office sa temang 'Plant for Better Tomorrow.' (kuha ng Mansalay LGU)

Sinabi ni Postma, “nakatakda naming itanim ang dalawang uri ng species ng bakawan sa baybaying ito na tinatawag na Pagatpat at Piapi sa pakikiisa ng iba’t-ibang samahan sa ating bayan upang maging matagumpay ang ating aktibidad.”

Maliban sa MAO, nasa 10 grupo din ang nakiisa sa nasabing gawain kabilang ang Mansalay Municipal Police Station, AFP -- 4th IB Batallion (Alpha Company), The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles (Mangyan Tamaraw Maharlika Eagles Club), Municipal Disater Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at iba pa. (DPCN/PIA-OrMin/Mansalay LGU)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch