No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagtataguyod ng Mobility Revolution sa NCR, tampok sa seryeng ‘Stories for a Better Normal’

MAYNILA, (PIA) -- Kikilalanin sa ika-59 na episode ng seryeng “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Change Pathways” ang patuloy na pagsusumikap ng mga local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) at national government agencies upang itaguyod at paunlarin ang sustainable urban mobility sa Metro Manila.

Ang online na talakayan, na hango sa konsepto at pangunguna ng dating three-term Senator, na ngayo’y Deputy Speaker at Antique Representative Loren Legarda, ay ipapalabas sa Huwebes, ika-26 ng Agosto 2021, alas-10 ng umaga via Facebook Live sa facebook.com/CCCPhl at facebook.com/iamlorenlegarda.

Kasama sa online na talakayan ang mga representatives mula sa lokal na pamahalaan ng Pasig City, San Juan City, Marikina City, Quezon City; at mga officials mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Department of Transportation (DOTr) para ibahagi ang kani-kanilang mga active transport plans (sa pagbibisikleta at paglalakad), initiatives, at karanasan.

Kabilang din sa programa ang mga active transport advocates na sina Mr. Red Constantino ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) at Mr. Aldrin Pelicano ng MNL Moves.

Sa nakalipas na taon, ang Better Normal Series ay malawak na itinampok ang Sustainable Urban Mobility bilang isang tema. Tinalakay sa unang tatlong episodes ng programa ang pagtataguyod ng pagbibisikleta bilang pangunahing pamamaraan ng pang-araw-araw na pagbiyahe, at hinikayat ang mga LGUs at agencies na maglaan ng connected safe networks para sa mga bikers, lalo na para sa mga frontliners at essential workers na gumagamit ng bisikleta papunta sa kani-kanilang mga trabaho sa gitna ng pandemyang COVID-19.

Bilang isang online na talakayan upang maisulong ang kalusugan, kamalayang pang-kapaligiran, at mga kasanayan sa pakiki-angkop sa klima, naglalayon ang Stories for a Better Normal na baguhin ang kaisipan ng bawat Pilipino, mga pamilya at pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga paraan kung paano maisasakatuparan ang ‘better normal’ sa loob ng ating mga pamayanan.

Ang online na talakayan na ito ay na-organisa sa pagtutulungan ng tanggapan ni Deputy Speaker Loren Legarda, Climate Change Commission, Institute for Climate and Sustainable Cities, at The Climate Reality Project-Philippines, na binigyang-suporta naman ng Department of Education, Philippine Information Agency, Mother Earth Foundation. (PIA-NCR)

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch