
Pangunahan ni Jomalig Mayor Rodel T. Espiritu ang pagpupulong ng municipal IATF Agosto 26 dahil sa pagdami ng positibong kaso ng COVID-19 sa nakaraang tatlong linggo. (Larawan mula sa LGU Jomalig FB Page.)
Pinaalalahanan din ang lahat na sumunod sa nilalaman ng batas ukol sa ECQ na ipatutupad tulad ng oras, sino at kung ano ang mga kailangang dokumento para makalabas ng kanilang tahanan.
Patuloy din ang pagpapa-alala sa mga residente na sumunod sa health protocol tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at practice ng social distancing.
Maliban kay Mayor Espiritu at Dr. Remudaro, kasama rin sa pagpupulong sina Oscar Espiritu kinatawan ng DILG, PNP Jomalig Police Exeucitve Master Sgt. Edmar Fabricante at iba pang miyembro ng municipal IATF.
Samantala, ini-ulat ng Jomalig RHU ang pagdating kahapon, Agosto 30, ng 1,260 doses ng Sinovac mula sa Lungsod ng Lucena na inilaan para sa priority group A4, ang economic frontliners.
Nakatakda ang pagbabakuna sa A4 sa Agsoto 31 hanggang Setyembre 3 ngunit dahil ECQ sa buong isla, ang mga nakaraang nakalista lamang muna ang uunahing mabakunahan at hindi tatanggap ng walk-in. (CPC, PIA Quezon at ulat mula sa LGU Jomalig FB Page)