No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng sakay sa LRT-2 hanggang Setyembre 7

Para sa mga bakunadong APOR

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Patuloy ang pagbibigay ng libreng sakay sa LRT-2 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APOR) hanggang ika-7 ng Setyembre, 2021.

Ayon sa LRT-2, patuloy ang libreng sakay para sa mga bakunadong APOR, first dose man o fully vaccinated, habang patuloy ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Ang free ride ay ipatutupad sa mga sumusunod na oras:

  • 5 a.m. - 7 a.m.
  • 9 a.m. - 5 p.m.
  • 7 p.m. - 9 p.m.

Paalala sa mga mananakay na dalhin ang vaccination card at ipakita ito kasama ang valid ID para sa libreng sakay.

Paalala rin sa mga pasahero na mahigpit na ipinatutupad ang minimum health protocols sa loob ng mga istasyon at tren.

Ang libreng sakay para sa mga APOR ay serbisyo publikong hatid ng Department of Transportation at pamunuan ng LRT-2. (LRT-2/PIA-NCR)

File photos courtesy of LRT-2

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch