No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Number coding, suspendido pa rin ngayong Setyembre

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido pa rin ngayong buwan ng Setyembre ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila.

Ito'y sa gitna ng umiiral na extended modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Kamaynilaan hanggang ika-7 ng Setyembre upang mapababa ang hawaan ng COVID-19.

Ayon sa MMDA, pinapayagan din ang pagbiyahe para sa essential goods at pagpasok sa mga establishments o aktibidad na naunang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na magbukas o mag-operate.

Sa hiwalay na advisory, sinuspinde rin ng MMDA ang truck ban sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila mula Setyembre 1-7, upang matiyak ang tuluy-tuloy na biyahe ng mga essential goods.

Panawagan naman ng MMDA, patuloy na sundin ang mga public health protocols upang mapangalagaan ang sarili, pamilya at ang komunidad laban sa COVID-19. (MMDA/PIA-NCR)

Kuha mula sa MMDA.

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch