No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga nakumpiskang substandard na produkto ng DTI-OrMin sa Puerto Galera, winasak

Mga nakumpiskang substandard na produkto ng DTI-OrMin sa Puerto Galera, winasak

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Bilang pagdiriwang ng Consumer Welfare Month ngayong buwan ng Oktubre na may temang; ‘Digital Consumers: New Normal,’ kasabay ng National Standards Week, nagsagawa ng product standards monitoring ang Department of Trade and Industry (DTI) Oriental Mindoro sa mga merkado kasabay ng taunang pag wasak sa mga produktong substandard na ginanap sa Eco Park, Brgy. Balatero, Puerto Galera kamakailan.

Ayon kay DTI Provincial Director Arnel Hutalla, “ang mga produktong wawasakin ay nanggaling sa mga establisyimento na nagtitinda ng mga PVC pipes gayundin ang mga walang brand na inidoro na hindi dumaan sa tamang proseso at walang tatak ng ‘PS Mark’ o ICC sticker sa bawat produkto.”

Pinangunahan ni DTI Provincial Director Arnel Hutalla (nakatayo) at Carmela Datinguinoo ang pagwasak sa tatlong mga substandard na inidoro na ibinibenta sa merkado na walang mga brand at babalang ligtas itong gamitin. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Dahil wala itong mga tatak at hindi sertipikadong gamitin ay hindi pinapahintulutan na ibenta sa merkado na siyang maaaring magdulot ng peligro sa buhay at mga ari-arian sa panahon na gamitin ito ng mga mamimili.

Samantala, matapos ipagbigay alam ng DTI sa pamahalaang lokal ng Puerto Galera ang mga nakumpiskang kagamitan, hiniling ng tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) na pinamumunuan ni MENRO Joan Margarette Yap na ang mga nakumpiskang tubo ay ipagkaloob na lamang sa kanila upang magamit sa Eco Park na siyang maaring maging palamuti para sa ikagaganda ng lugar.


Sinabi ni Yap, “ang kasalukuyang Eco Park ay dating sanitary landfill na may lawak na halos isang hektaryang lupain at ngayon ito ay isa nang luntiang pasyalan at malaking tulong ang mga nakumpiskang tubo para mas higit na mapakinabangan bilang mga dekorasyon.”

Nilagdaan ni PD Hutalla (kaliwa) at Carmela Datinguinoo na kumatawan kay Mayor Rocky Ilagan ang Deed of Donation na nakasaad na kailangan sirain muna ang mga tubo bago io gamiting palamuti sa Eco Park. (Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Gayunpaman ay nagkasundo ang magkabilang panig na lumagda sa isang Deed of Donation upang ang mga nasabing tubo ay pinagpuputol-putol upang hindi na mapakinabangan ninuman bago ito ipagkaloob sa naturang LGU.

Ang mga lumagda sa naturang Deed of Donation ay si PD Hutalla at Carmela Datinguinoo na siyang kumatawan sa Punong Bayan na si Rocky Ilagan. (DN/PIA-OrMin)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch