No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tripartite agreement para sa kalikasan, nilagdaan sa QC

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Pinirmahan ni Mayor Joy Belmonte ang Tripartite Memorandum of Agreement (MOA) upang pagsamahin ang AlasKalikasan Wrapper Redemption Project at ang Trash to Cashback Program ng lokal na pamahalaan.

Kasama rin sa MOA signing sina QC Climate Change and Environmental Sustainability head Ms. Andrea Villaroman, Basic Environmental Systems Technologies, Inc. Senior VP Ms Emelita Aguinaldo, Senior VP for Business Development Jan Mercado, at Alaska Milk Corporation Managing Director Mr. Tarang Gupta.

Mga kuha mula sa QC LGU

Layon ng kasunduan na bawasan ang paggamit ng single-use plastics at makatulong sa nutrisyon ng mga QCitizens sa pamamagitan ng pag-exchange ng 3 kilo ng single-use plastic kapalit ng 165 grams ng Alaska Fortified Powdered Milk Drink.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng QC ang mga residente na gumamit ng mga reusable items sa halip na mga single-use plastic. (QC LGU/PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch