No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga ilegal na troso, nasabat sa operasyon ng BENRO

LUNGSOD NG MALOLOS, (PIA) -- May 33 piraso ng iligal na troso ang nasabat ng Provincial Anti-Illegal Logging Task Force sa pangunguna ng Bulacan Environment and Natural Resources Office o BENRO sa isang operasyon sa Sitio Balikiran sa barangay Kabayunan, Doña Remedios Trinidad.

Ayon sa composite team na nagsagawa ng operasyon, mabilis na tumakas ang mga suspek sa lugar kung saan ang mga nakumpiskang troso ng red at lauan tree species na may sukat na 562.99 board feet na tinatayang nagkakahalaga ng 28,150 piso ay sinira na rin ng raiding team.

Natukoy naman ng mga tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office-Baliwag ang 38 na indibidwal na nasa ilalim ng imbestigasyon dahil sa pagkakasangkot bilang financiers ng illegal logging.

Sasampahan ng mga kasong kriminal alinsunod sa Executive Order No. 23, Declaring the Moratorium on the Cutting and Harvesting of Timber in the Natural and Residual Forests, and Section 68 of Presidential Decree 705 as amended by Republic Act 7161 o the Revised Forestry Code of the Philippine ang 38 indibidwal.

Sinabi naman ni Gobernador Daniel Fernando na ipagpapatuloy ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang kampanya upang matigil ang illegal forestry activities sa lalawigan. 

Inilunsad ang forest protection work at operation sa pagtutulungan ng BENRO, Angat Watershed Area Team of the National Power Corporation at 70th Infantry Battalion ng Philippine Army. (CLJD/VFC-PIA 3)

Ang ilan sa 33 piraso ng mga pinutol na iligal na troso na nagkakahalaga ng 28,150 piso na kinumpiska at winasak ng mga kawani ng Bulacan Environment and Natural Resources Office sa isinagawang operasyon na pinangunahan ng Provincial Anti-Illegal Logging Task Force sa sitio Balikiran sa barangay Kabayunan, Doña Remedios Trinidad. (PPAO)

About the Author

Vinson Concepcion

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch