No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MAFAR-Maguindanao, mas pinaigting ang kampanya kontra illegal fishing sa Liguasan Marsh

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) –- Mas pinaigting ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR) – Maguindanao province ang kampanya kontra illegal fishing sa Liguasan Marsh sa pamamagitan ng month-long information dissemination campaign na sinimulan nitong buwan ng Disyembre.

Ayon sa MAFAR, binibigyang diin nila sa kampanya ang pagbabawal ng electro-fishing o pangingisda gamit ang mga de-kuryenteng materyales at ang mga hindi magandang maaaring maidulot nito sa kalikasan.

Abot sa 20 munisipyo ang target maabot ng naturang programa kung saan ipinapaalam ang tamang pamamaraan sa pangingisda at ang mga pwedeng maging parusa sa mahuhuling nagsasagawa ng illegal fishing sa lugar.

Kabilang na dito ang mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Guindulungan, Datu Anggal Midtimbang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Talayan, Rajah Buayan, Mamasapano at Sultan sa Barongis sa Maguindanao.

Layunin din ng programa na maituro sa mga residente ng lugar ang pangangalaga sa yaman ng Liguasan Marsh.

Magpapatuloy hanggang Disyembre 29 ang naturang kampanya sa mga bayan ng Datu Piang, Shariff Saydona Mustapha, Paglat, Datu Paglas, Buluan, Mangudadatu, Pandag, Montawal, Pagalungan, Northern Kabuntalan at Talitay. (ACB/PIA Cotabato City)

About the Author

Allan Biwang Jr.

Information Officer II

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch