Hinikayat naman ni Col Larida, ang natitira pang miyembro ng CTG sa Palawan na sumuko na sa pamahalaan upang matulungan ang mga ito na makabalik sa main stream ng society, lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko.
“Paulit-ulit nating iniimbitahan ang mga kapatid natin na communist terrorists na sumuko na sa gobyerno at handang-handa ang mga Local Government Units ng Palawan (LGU), partikular ang Palawan Provincial Task Force-ELCAC upang tanggapin ang mga ito at maisama na ma-enroll sila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at tulungan silang makabalik sa main stream ng society, lalo na ngayon na ilang araw na lang ay Pasko na. Kagaya rin natin ‘yong mga CTGs, kagaya rin natin na may mga mahal sa buhay na nag-aabang ng mainit yakap na nag-aaantay sa kanila ngayong kapaskuhan,” ang pahayag ni Col. Larida.
Tiniyak din ni Larida na mabibigyan ng maayos na burol at libing ang namatay na miyembro ng CTG. Aniya, naiturn-over na ito sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Roxas, Palawan para sa tamang disposisyon.
Ilan sa mga High Powered Fire Arms na narekober ng militar sa nangyaring engkwentro kahapon na iprinisenta sa press conference ay ang mga sumusunod: 3-M16A1 Rifle, 3-M203 Grenade Launcher at 1-M14 Rifle.
Kasama rin dito ang 5-Bandoliers, iba't-ibang bala, anti-personel mines, mga notebook at ilang module para sa mga estudyante sa grade 10.
Sa dami ng mga kagamitang narekober ng militar sa lugar na nabanggit, tinatayang ito ay isa sa mga kampo ng CTG, ayon pa sa opisyal ng military. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)