No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pasok sa mga opisina sa Northern Palawan, suspendido dahil kay 'Odette'

Pasok sa mga opisina sa Northern Palawan, suspendido dahil kay 'Odette'

Ang Executive Order No. 87 series of 2021 kung saan sinusupendi ang mga pasok sa lahat ng pampubliko at pampribadong tanggapan at mga establisyemento sa Northern Palawan. (Larawan mula sa PIO-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan, (PIA) -- Suspendido ang lahat ng pasok sa mga pampublikong opisina at mga pribadong establisyemento sa mga munisipyo sa bahaging norte ng Palawan simula sa Disyembre 17 hanggang Disyembre 19.

Batay ito sa inilabas na Executive Order No. 087, Series of 2021 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na nilagdaan ni Gobernador Jose Ch. Alvarez noong Disyembre 16.

Kabilang sa kautusan ang suspensyon sa klase ng mga mag-aaral sa lahat ng antas maging ito man ay limited face to face o online classes.

Ang kautusang ito ng gobernadora ay bilang paghahanda sa pagpasok ng Bagyong Odette sa lalawigan at layon din nito na mabigyan ng panahon ang mga lokal na pamahalaan at mga residente na makapagsagawa ng precautionary measures tulad ng paglilikas ng mga residente na may posibilidad na maapektuhan ng bagyo.

Ipinag-uutos rin ang mandatory o forced evacuations sa mga lugar na may panganib ng baha o pagguho ng lupa.

Suspendido rin ang pasok sa trabaho ng mga empleyado ng Pamahalaan Panlalawigan ng Palawan o mga empleyado sa Kapitolyo. Ito ay sa bisa naman ng Executive Order No. 088 series of 2021 na nilagdaan din ni Gob. Alvarez kahapon.

Sa pinakahuling advisory ng Pagasa kaninang umaga, nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang Lungsod ng Puerto Princesa at ang northern part ng Palawan, partikular ang mga Cuyo Island, Cagayancillo Island, mga bayan ng Araceli, Dumaran, San Vicente, Taytay, Roxas at El Nido, habang nasa Signal No. 2 naman ang central portion ng Palawan kasama na ang Kalayaan at Calamian Islands.

Samantala, nasa Signal No. 1 namang ang natitirang bahagi ng Palawan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan).

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch