No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Puerto Princesa, El Nido, Busuanga, kinilala sa 9th Regional Competitiveness Summit

Puerto Princesa, El Nido, Busuanga, kinilala sa 9th Regional Competitiveness Summit

Pasok pa rin ang Lungsod ng Puerto Princesa sa 2020 Cities and Municipalities Competitiveness Index Ranking. (Social card mula sa DTI-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Pasok sa Top 10 ng iba’t-ibang kategorya ng Cities and Municipalities Competitiveness Index Ranking para sa taong 2020 ang Lungsod ng Puerto Princesa, Bayan ng Busuanga at El Nido kung kaya’t binigyan ang mga ito ng pagkilala sa ginanap na 9th Regional Competitiveness Summit kamakailan.

Nasa Top 5 ang Lungsod ng Puerto Princesa sa Most Improved Highly Urbanized City. Bagaman bumaba ang ranking ng lungsod ngayong taon ay pasok pa rin ito sa nabigyan ng pagkilala.

Nasa Top 4 naman ang Busuanga sa Most Improved Municipalities para sa mga munisipyong nasa 3rd to 4th Class.

Samantala, pasok naman sa Top 3 ang Bayan ng El Nido bilang Most Improved Municipalities para sa mga munisipyong nasa 1st to 2nd Class.

Ang Rankings of Cities and Municipalities ay taunang isinasagawa ng Department of Trade and Industry (DTI). Ito ay na-develop ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) sa tulong na rin ng United States Agency for International Development.

Ang Rankings of Cities and Municipalities ay base sa kabuuan ng kanilang mga scores sa apat na Pillars: ang Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, at ang Resiliency.

Samantalang ang Provincial rankings naman ay base sa populasyon at income weighted average ng kabuuang scores ng mga lungsod at munisipyong bumubuo ng isang probinsiya. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch