No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Makinarya, iba pang tulong pang-agrikultura, ipinamahagi ng DA sa Palawan

Makinarya, iba pang tulong pang-agrikultura, ipinamahagi ng DA sa Palawan

Ilan lamang ito sa mga makinarya na ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) para sa mga Farmer Cooperative Associations sa Palawan na isinagawa sa Narra, Palawan nitong Enero 18, 2022. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Iba’t-ibang makinarya at tulong pang-agrikultura ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka sa Palawan sa tatlong aktibidad na sama-samang isinagawa kamakalawa noong Enero 18 sa Narra, Palawan.

Ang nasabing mga aktibidad ay ang pamamahagi ng agricultural-machinery para sa lalawigan ng Palawan mula ito sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program; ang paglulunsad at pamamahagi ng Rice Farmer Financial Assistance Program at ang paglagda sa Province-led Agriculture and Fisheries Extension System Memorandum of Agreement.

Sa pamamahagi ng agricultural-machinery, 92 yunits ng iba’t-ibang makinarya na kinabibilangan ng mga ito: Four-whell Tractor (23); Hand Tractor (3); Floating Tiller (6); PTO Driven Disc Plow/Harrow (8); Walk-behind Transplanter (2); Rice Combine Harvester (23);

Rice Thresher (15); Flatbed Dryer (2); Recirculating Dryer (2) at Multi-Stage Rice Mill (1) ang ipinamahagi sa 39 na mga Farmer Cooperative Associations (FCAs) sa buong lalawigan ng Palawan.

Tinatayang nasa P95.8 milyon ang kabuuang halaga ng nasabing makinarya, ayon sa impormasyon mula sa DA.

Ang pamamahagi nito ay pinangunahan mismo ni DA-Mimaropa Field Office Regional Executive Director Antonio G. Gerundio katuwang si Palawan Second District Rep. Cyrille Abueg-Zaldivar at iba pang opisyales ng lalawigan.

Nasa 20,274 naman na mga magsasaka sa buong lalawigan ang napagkalooban ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P5,000.00 bawat isa mula sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Program.

Ang lahat ng ito ay napondohan sa RCEF para sa taong 2021 ngunit ngayong taon lamang naipamahagi ayon sa DA.

Maliban sa agricultural-machinery at tulong pinansiyal ay nagkaloob din ang DA ng iba pang tulong pang-agrikultura tulad ng Certified seeds (9,500 bags); Corn Seeds (205 bags); Vegetable Seed (100 kilos); Cashew Seedlings (31,000 pcs.); Banana Plantlets (20,000 pcs.); Assorted planting materials (1,700 pcs.) at Bigas nan as 102 cavans. Personal itong ipinagkaloob sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ni Provincial Administrator Atty. Joshua Bolusa.

Nagbigay naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng 64 units ng 30-footer Fiberglass Reinforce Boat na may kasamang makina at kompletong kagamitang pangisda; 50 units ng Marine engine Gasoline 6.5HP; 50 units Marine Engine Diesel 14HP; 100 kahon ng sardinas at 36 sa sako ng bigas.

Ilan sa mga munisipyong nabiyayaan nito ay ang mga bayan ng Araceli, Aborlan, Dumaran, Roxas, San Vicente, Taytay at ang Lungsod ng Puerto Princesa. (OCJ/PIA-Mimaropa, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch