No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagpapalakas sa Republika, mag-aahon sa pandemya

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) -- Makakatulong sa mabilis na pag-ahon mula sa pandemya ng COVID-19 ang lalong pagpapalakas sa ating Republika.
 
Iyana ng tinuran ni Gobernador Daniel R. Fernando nang pangunahan niya ang payak na pagdiriwang ng Ika-123 Taon Anibersaryo ng Pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas, na ginanap sa patio ng makasaysayang simbahan ng Barasoain sa lungsod ng Malolos.
 
Sangkap aniya upang mapalakas pa ang Republika ang pagpaprayoridad na maiangat ang antas ng mga pangunahing serbisyo at programa ng pamahalaan.
 
Bilang ambag ng Bulacan, ipinahayag ng gobernador na ngayon ang pinakamainam na paraan upang palakasin ang health system.
 
Target ngayong 2022 na magkaroon ng brandnew na Magnetic Resonance Imaging at maitatag ang Department of Ophthalmology sa Bulacan Medical Center.
 
Sa larangan ng ekonomiya, prayoridad ang patuloy na pagpaparami ng produksiyon ng pagkain kaya’t tututukan ang agrikultura sa pamamagitan ng pamamahagi ng mas maraming makinarya, libreng binhi at pataba at ang muling pagpaparami ng mga Baboy na walang African Swine Fever.
 
Hangad din ng Kapitolyo na kasabay na matulungang maibalik sa trabaho ang mga nawalan o nahinto sa pinapasukan, ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga out-of-school youth na makapaghanapbuhay sa pamamagitan na mas maigting na technical education courses and trainings sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority.
 
Kasama rin sa mga aspeto ng pagbangon at pagpapalakas sa Republika ang muling pagbabalik eskwela nang personal ng mga mag-aaral.
 
Kaya’t binigyang diin ni Fernando na ang mga mag-aaral lamang na fully vaccinated ang iibrang lumahok sa pinaghahandaang face-to-face classes.
 
Kaugnay nito, naniniwala naman si Malolos City Mayor Gilbert Gatchalian na ang mga adhikaing inilatag ng gobernador ay higit na magtatagumpay sa pamamagitan ng tunay na pagkakaisa mula sa iba’t ibang sektor at seryosong pagsunod sa mga ipinaiiral na batas, lalo na sa mga health protocols ngayong pandemya. (CLJD/SFV-PIA 3)

Payak na ipinagdiwang ng mga Bulakenyo ang Ika-123 Taong Anibersaryo ng Pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas sa makasaysayang simbahan ng Barasoain sa lungsod ng Malolos. (Shane F. Velasco/PIA 3)

About the Author

Shane Velasco

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch