No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagtatanim ng bakawan, pinangunahan ng Jose Panganiban police

DAET, Camarines Norte (PIA) - -Pinangunahan ng mga pulis ng Jose Panganiban Police Station ang pagtatanim ng mga bakawan sa Barangay Pagasa noong Pebrero 11 taong kasalukuyan.  

Katuwang ng kapulisan sa kanilang Mangrove Planting activity ang mga opisyal at Sangguniang Kabataan (SK) ng nasabing barangay kasama ang mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS).

Ayon kay Police Major Elezaldy C. Calingacion, hepe ng Municipal Police Station, ito ay bahagi ng kanilang Pulis Makakalikasan program kung saan ang mga alagad ng batas ay sumusuporta sa lahat ng mga aktibidad at programa ng mga barangay upang maging malakas ang ugnayan at mapaganda ang komunidad.

Ito rin ay bahagi ng Clean and Green Program ng barangay upang maitaguyod ang pagpaparami at pagtatanim ng mga bakawan para sa kalikasan.

Inihayag ni Punong Barangay Marites Raytana na ang pagtatanim ng bakawan ay nakakatulong sa kanilang mga residente dahil dito nakatira ang mga lamang dagat na pinagkukunan nila ng pagkain at proteksiyon rin ito kapag mayroong kalamidad. (PIA)

Ayon sa pahayag ni Punong Barangay Marites Raytana, ito ay malaking tulong sa kanilang barangay dahil ang pagtatanim ng bakawan at pagpaparami nito ay proteksiyon kapag mayroong bagyo.

Aniya, ito rin ay tirahan ng mga lamang dagat katulad ng alimango at isda na nakakatulong sa mga residente para sa kanilang pang araw-araw na pagkain.

Umaabot sa 150 mangrove propagules ang naitanim sa naturang barangay na pangangalagaan at babantayan ng mga BPATS.

Samantala, isinagawa rin ang paglilinis sa tabing dagat o coastal clean-up drive upang tanggalin ang mga mga basura na kadalasan ay napupunta sa mga waterways at sa dagat.

Patuloy naman ang panawagan sa lahat na makiisa sa ganitong mga gawain na maging responsable at magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura upang hindi masira o mawala ang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng pagkain. (RV/PIA5 Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch