LUNGSOD NG CALAMBA (PIA) – Binigyang diin ng Department of Environment and Natural Resources Region IV-A (DENR IV-A) ang kahalagahan ng wetlands kasabay ng taunang pagdiriwang ng World Wetlands Day.
Sa kanyang panayam sa Sulong Calabarzon, sinabi ni DENR IV-A Regional Director Nilo B. Tamoria na nasa 29 na wetland sa Calabarzon ang nasa pangangalaga ng pamahalaan.
“Lahat ng uri ng wetland ay mayroong naibibigay na benepisyo dahil nagsisilbi itong shield mula sa natural disaster.” ani Tamoria.
Dagdag pa ni Director Tamoria, kaagapay nila ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor sa pangangalaga ng kalikasan.
Aniya, lumagda ang pamahalaan ng 70 Memorandum of Understanding sa mga paaralan, lokal na pamahalaan, at non-government organization (NGO) para sa pangangalaga ng likas na yaman sa rehiyon.
Panoorin ang buong panayam ni DENR Calabarzon Regional Director Nilo B. Tamoria sa official Facebook page ng Philippine Information AGency Calabarzon (@piagovph4a). (PB)
Abangan ang Sulong Calabarzon tuwing Huwebes, alas-2 ng hapon sa official Facebook page ng Philippine Information Agency Calabarzon (@piagovph4a)