LUNGSOD NG BATANGAS(PIA)—Nagsagawa ng meet and greet sa mga uniformed at non-uniformed police personnel si National Police Commission (NAPOLCOM) GAD Focal Point at Supervising Commissioner Zenonida F. Brosas sa Camp Gen. Miguel Malvar noong ika-15 ng Pebrero.
Ayon kay Brosas mahalaga ang pagbibigay kapangyarihan at pagpapahalaga sa mga kakabaihan o women empowerment upang mas mapaunlad ang pamilya, komunidad at bansa.
“Kapag ang mga kababaihan ay namumuhay ng ligtas at produktibo, mas nakakamit nila ang kanilang hangarin at napapalakas ang potensyal upang mas makatulong sa pangkalahatang pag-unlad”, ani Brosas.
Aniya pa, isang hamon sa kapulisan na maipakita ang totoong katatayuan nila bilang isang tao na maipagmamalaki at magbibigay karangalan hindi lamang sa pamilya at mga kaibigan kundi lalo’t higit sa komunidad na pinaglilingkuran.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si PCol. Glicerio Cansilao sa pagbisita ng NAPOLCOM Commissioner sa lalawigan at pagtataas ng morale ng bawat kababaihan na miyembro ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) at ang inspirasyong hatid nito ay agbigay ng pas-asa sa bawat isa lalo na ngayong panahon ng pandemya. Gayundin ang pagsiguro na ang NAPOLCOM ay handing gumabay at tumulong hindi lamang sa mga kababaihan kundi sa lahat ng kapulisan. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)