No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga magsasakang may pagkakautang sa patubig, pinaalalahanan ng NIA Camarines Norte

DAET, Camarines Norte (PIA) – Pinaalalahanan ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga magsasaka na mayroong pagkakautang sa patubig na mag-avail ng condonation program.

Ayon kay Mariano Villamonte, public information officer, na bukas na uli ang kanilang tanggapan sa bayan ng Daet para sa mga kliyente lalo na sa mga mag-aavail ng naturang programa.

Aniya, dahil sa COVID- 19 pandemic ay nilimitahan ng NIA ang pagpapasok ng mga tao sa kanilang tanggapan.

Saklaw ng condonation program ang utang na hindi nabayaran ng mga magsasaka mula noong taong 1975 kung kailan nagsimulang maningil ang NIA hanggang taong 2018.

Nilinaw din ni Villamonte na bagamat naisabatas ang Free Irrigation Service Act noong 2018 ay hindi nangangahulugan na malilibre na ang mga magsasaka sa kanilang bayarin bago pa ito naisabatas.

"Hinihikayat natin ang mga magsasaka na pumupunta na sa tanggapan ng NIA hanggat hindi pa natatapos ang palugit sa pag-avail ng condonation program," dagdag ni Villamonte.

Matatandaan na Nobyembre ng nakaraang taon ay iniulat ng ahensiya na halos 9,000 mga magsasaka na dapat makinabang sa programa ay 40% palamang ang nakakapag avail dito.

Nasa 60% pa ang hinahabol ng NIA kaya’t  nagsagawa na rin sila ng mobile application sa mga lugar na maraming magsasaka. (PIA 5/Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch