
Nagbigay ng mensahe sina Dr. Anna Rochelle Boongaling (kaliwa) at Dr. Grimaldo 'Greg' Catapang ng ProVet tungkol sa mga magagawa ng incubator na ipinagkaloob ng Dept. of Agriculture Regional Field Office (DA-RFO) bago ipinagkaloob sa mga livestock raisers mula sa apat na bayan sa lalawigan. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)
Dagdag pa ni Catapang, noong 2018-2019 ay namahagi ng mga sisiw sa mga bayan ang Pamahalaang Panlalawigan upang makatulong sa pagdami ng mga manok at makapagparami ng mga itlog na ibebenta sa merkado sa loob at labas ng Oriental Mindoro
Samanatala, nagpasalamat naman ang pangulo ng Naujan Animal Raisers Assn. (NARA) na si Petronila Valencia matapos tanggapin ang naturang aparato sa DA.
Aniya, “hindi lamang ang aming samahan ang maaring makinabang nito kundi ito’y para sa lahat ng mga samahan sa aming bayan na may mga alagang nangingitlog na hayop upang mapabilis ang pagpaparami ng kanilang mga alaga ng sa gayon ay makalikha din ng maraming itlog.”
Maliban sa NARA, pinagkalooban din ang samahan ng Roxas Animal Raisers Assn. (RARA), Samahan ng Magsasaka, Magniniyog, Mangingisda at Maghahayupan (SAMMMMBU), Gloria Sustainable Agriculture Assn. (GLOSAA) at PVLEC. (DN/PIA-OrMin)