No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BFP Besao, nagpaalala sa pangangalaga sa kabundukan

BESAO, Mountain Province (PIA)--Nagpapaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) - Besao sa publiko na pangalagaan ang mga kabundukan at kagubatan.

Kasunod ito ng pagkasunog ng halos isang ektaryang kabundukan sa Barangay Payeo nitong Lunes, April 11.

Ayon kay Fire Officer 1 Fely Layagan, tagapagsalita ng BFP-Besao, 1:39 PM na naitawag sa kanila ang insidente kung saan, agad naman  silang rumesponde kasama ang mga volunteers sa nabanggit na barangay. Naideklara ang fire out 4:04 ng hapon.

Sa inisyal na pagsisiyasat nila, maliit na lugar lang ang sinunog para sa kaingin area pero kumalat aniya ang apoy kung saan, kabilang sa mga nasunog ang sampung pine tree saplings.

"It's a small area pero siyempre, sa init tapos hindi pa umuulan, it spread all over the area," ani Layagan.

Pag-apula sa nangyaring forest fire sa Payeo, Besao, Mountain Province nitong April 11, 2022. (Photo: BFP Besao)
Pag-apula sa nangyaring forest fire sa Payeo, Besao, Mountain Province nitong April 11, 2022. (Photo: BFP Besao)

Kaugnay nito ay iginiit ni Layagan na ang pangangalaga at pag-iingat sa kalikasan ay responsibilidad ng bawat isa.

"Ang Besao ay surrounded by mountains and forest kaya we should make sure to protect it. Kaya dapat lahat, mag-ingat. Sa pag-iwas sa sunog, 'di ka nag-iisa," aniya.

Ngayong taon ay nakapagtala ang BFP Besao ng apat na forest fires at isang grass fire. (DEG)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch