BAGUIO CITY (PIA) -- Inihayag ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources na kailangang mapalakas ang mga pamahalaang lokal kaugnay sa pagresolba ng air pollution sa kanilang nasasakupan.
Sa ginanap na virtual Regional Meeting on Strengthening Knowledge and Actions for Air Quality Improvement kamakailan, inilahad ni EMB Air Quality Management Section Chief Jundy Del Socorro, batay sa mga monitoring sa mga airsheds sa bansa ay napag-alaman na ang transportasyon ang pangunahing pinagmumulan ng polusyon sa hangin. Ang mga airsheds ay lugar na may magkaparehong climate, meteorology at topology na nakaaapekto sa interchange at diffusion ng pollutants sa kapaligiran.
"It's the local government units that we really identify that we should strengthen in terms of the land use planning, the transport planning, to address air pollution from the mobile sources," saad ni Socorro.
"It is important that there should be a master plan in all emerging cities so that we could address all these usual problems especially on the transport sector," dagdag nito.