No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MMDA, puspusan ang paghahanda sa tag-ulan

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Puspusan ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong panahon ng tag-ulan.

Ilan sa mga kanilang paghahanda ay ang regular na paglilinis ng mga pumping stations sa lungsod upang matiyak ang maayos na operasyon nito.

Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, sinisiguro ng ahensya na operational at nasa maayos na working conditions ang lahat ng mga pumping stations dahil nakatutulong ang mga ito na maiwasan at mabawasan ang pagbabaha sa Metro Manila.

Mababa ang elevation ng Metro Manila na kapag high tide at malakas ang ulan, kailangang i-pump out ang tubig-ulan papuntang Pasig River o Manila Bay para makontrol ang pagbaha sa Kamaynilaan. 

Sa kasalukuyan ay mayroong 71 pumping stations na patuloy na ino-operate ng MMDA. Sa pamamagitan ng mga imprastrakturang ito ay nagagawang i-pump out ang tubig ulan papuntang Pasig River o Manila Bay upang makontrol ang pagbaha lalo sa mga mababang lugar. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

Feedback / Comment

Get in touch