No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Populasyon ng Baguio City, lagpas na sa carrying capacity


BAGUIO CITY (PIA) -- Lumagpas na sa population carrying capacity ng Baguio City ang kasalukuyang populasyon ng lungsod kaya ang Watershed and Water Resources Research Development and Extension Center (WWRRDEC) ay nagbigay ng  nga rekomendasyon kung paano masolosyunan ang nga isyu dulot nito.
 
Sa pag-aaral ng WWRRDEC, ang Computed Population Carrying Capacity ng lungsod ay dapat 243,300 katao. Gayunman, batay sa 2020 Census of Population and Housing (CPH), aabot na sa 366,358 ang populasyon ng lungsod, lagpas ng 123,058 mula sa nabanggit na carrying capacity.
 
Dahil dito ay inirekomenda ng WWRRDEC ang pagpapalakas pa sa mga hakbang ukol sa population control, at ang pag-regulate sa pagpasok ng mga migrants.
 
"The entry of migrants should be regulated by creating more livelihood opportunities outside Baguio," saad ni WWRRDEC center head Helen Madumba.
 
Lumabas din sa pag-aaral na hindi sapat ang suplay ng tubig upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa sa lungsod. Tinatayang 14.6M cubic meter ang available water supply sa Baguio ngunit ang population water demand ay aabot sa 18.90M cubic meter.

(Source: WWRRDEC)
(Source: WWRRDEC)

Mataas din ang Physical Carrying Capacity sa mga residential houses. Batay sa 2020 CPH, umaabot na sa 100,220 ang households sa lungsod, halos doble mula sa computed physical carrying capacity ng residential units na 57,063.
 
Halos nadoble rin ang bilang ng mga commercial establishments mula sa computed carrying capacity for commercial areas.

"The places where they are constructed should be evaluated kasi mayroong mga structures that are built within dangerous areas and employ urban planner experts who have massive experience in building sustainable cities like Baguio," ani Madumba kaugnay pa rin sa rekomendasyon ng kanilang tanggapan.
 
Sa nasabi ring pag-aaral, lumalabas na kontaminado ng Phosphate ang mga water resources, may presensiya rin ng heavy metals na banta sa kalidad ng tubig sa lungsod. Nakakaalarma rin umano na generally acidic ang karamihan sa mga soil samples na inaral ng ahensiya.
 
"With the result of the study, we came up with recommended actions, programs and policies to conserve and protect Baguio City," saad ni Madumba.

Nakatakdang ipresenta sa pamahalaang lokal ang resulta ng pag-aaral na tumutugma umano sa pag-aaral na 'Estimating the Urban Carrying Capacity of Baguio City' na kinomisyon ng National Economic Development Authority noong 2019. (DEG
 

Si WWRRDEC center head Helen Madumba sa ginanap na Kapihan on Environment Month nitong May 25, 2022. (PIA-CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch